Philippines Industry Times
SEE OTHER BRANDS

Daily news on industries and services in Philippines

Pangilinan wants DA's extension services to reach provinces

PHILIPPINES, August 2 - Press Release
August 2, 2025

PANGILINAN WANTS DA'S EXTENSION SERVICES TO REACH PROVINCES

Senator Francis "Kiko" Pangillinan, who now chairs the Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform, is pushing for the strengthening and expansion of the Department of Agriculture's (DA) extension services to reach farmers in the provinces.

The senator lamented that currently, farmers couldn't access the DA's services because the agency only has regional offices.

"Ang extension service ay mali at pag hindi nakaugnay yung DA sa lupa, parang tanim (na) hindi tutubo. Kailangan nakatutuok," Pangilinan said. "Nais nating dagdagan ng extension service na programa hindi sa regional level. Dapat minimum hanggang probinsya."

The senator cited the state of farmers in Cavite, where his farm is also located.

"Kung kinakailangan nilang tutukan ang ating extension service, paano na eh andon sila sa Lipa? Ang biyahe papuntang Lipa eh kulang-kulang tatlong oras," he said during a meeting last Thursday, July 31, with the Yakap at Halik Cooperative in Bailen, Cavite.

In a separate visit to Los Baños on Saturday, August 2, Pangilinan held the same discussions with a local farmers' cooperative, underscoring the need for government services to reach localities.

"Paano matutukan ng DA yung pangangailangan ng magsasaka dito (sa Los Baños) at magsasaka sa amin (sa Cavite) kung walang extension na sapat para matutukan?," the senator asked. "Hanapan natin ng paraan yan yang suporta na maibibigay sa inyo."

He likewise told the cooperative to urge their local chief executives to fully implement the Sagip Saka Act by convincing Metro Manila-based mayors to purchase produce directly from the farmers.

Under the 2019 Sagip Saka Act, the national and local governments can purchase produce directly from farmers and fisherfolk without public bidding.

Video Courtesy: Office of Senator Francis "Kiko" Pangilinan 02 Aug 2025 Los Baños - Sen Kiko


PANGILINAN NAIS NA PAIGTINGIN, PALAWAKIN ANG EXTENSION SERVICES NG DA

Minumungkahi ni Senador Francis "Kiko" Pangilinan, na ngayon ay chairman ng Komite ng Agrikultura sa Senado, na palawakin ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang extension services sa pamamagitan ng pagbubukas ng bagong mga opisina nito sa bawat probinsya.

Ayon sa senador, mayroon lamang regional offices ang DA, bagay na nagpapahirap sa mga magsasaka para makakuha ng sapat na suporta para sa kanilang mga anihan.

"Ang extension service ay mali at pag hindi nakaugnay yung DA sa lupa, parang tanim (na) hindi tutubo. Kailangan nakatutuok," ani ni Pangilinan. "Nais nating dagdagan ng extension service na programa hindi sa regional level. Dapat minimum hanggang probinsya."

Inihalimbawa ng senador ang kalagayan ng mga magsasaka sa probinsya ng Cavite, kung saan mayroon din siyang taniman.

"Kung kinakailangan nilang tutukan ang ating extension service, paano na eh andon sila sa Lipa? Ang biyahe papuntang Lipa eh kulang-kulang tatlong oras," sabi ng senador sa isang miting na ginanap noong Huwebes, Hulyo 31, kasama ang Yakap at Halik Cooperative, isang kooperatiba na itinataguyod ang organic agriculture sa Bailen, Cavite.

Nagpunta rin ang senador sa Los Baños para sa isa pang diskusyon kasama ang isang kooperatiba ng mga magsasaka sa nayon.

Doon, muling itinulak ng senador ang pagpapalawak ng extension services ng DA sa mga probinsya

"Paano matutukan ng DA yung pangangailangan ng magsasaka dito (sa Los Baños) at magsasaka sa amin (sa Cavite) kung walang extension na sapat para matutukan?," sabi ni Pangilinan. "Hanapan natin ng paraan yan yang suporta na maibibigay sa inyo."

Habang naroon siya ay isinangguni rin ng mga miyembro ng kooperatiba ang kanilang mga problema sa sakahan at sa pagoorganisa bilang isang kooperatiba.

Bukod sa pagoorganisa, sinabi ng senador na dapat makipagusap ang mga kooperatiba sa kanilang mga punong-bayan upang mahikayat sila na makipagugnayan sa mga alkalde sa Maynila na maaaring bumili ng direkta ng kanilang mga ani.

Sa ilalim ng Sagip Saka Act na naipasa noong 2019, ang nasyonal at lokal na gobyerno ay maaaring bumili ng direkta sa mga magsasaka at mangingisda nang hindi dadaan sa isang public bidding.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Share us

on your social networks:
AGPs

Get the latest news on this topic.

SIGN UP FOR FREE TODAY

No Thanks

By signing to this email alert, you
agree to our Terms & Conditions